Uncategorized

Kwentong jalibi #05 (Last day)

So eto na nga, naglast day na ko kahapon. Grabe sobrang memorable (at pagod). First day sa school, last day sa jollibee 😦 pumasok muna ko sa school nung umaga pero isang subj lang pinasukan ko, tapos duty ko 4-11 p.m. at syempre abangers sila sa pag out ko kasi babasain nila ko lol. Tradisyon daw yon sa jollibee (sa branch namin, ewan ko lang sa iba) na babasain sa last day. Kaya nung pag out ko grabe nakaready na pambubuhos nila sakin haha. Nagulat ako nung pagpasok ko sa likod na kitchen may nambuhos na sakin tapos tuloy-tuloy na! May tubig na may yelo, may maligamgam at merong may APC (basta sabon XD) !!!  Nalasahan ko nga eh. Pero syempre di naman ako papayag na ako lang basa hahaha kaya naman binasa ko rin sila! bwahahaha sorry na lang sila kase ready ako sa damit, sila walang dala! Pati mga gamit don sa kitchen basang basa. Para kaming nagswimming pagkatapos.

19126236_1428502400528979_1267620119_o.jpg

19197438_1428502377195648_860676195_o
ayan haha bagong ligo

This slideshow requires JavaScript.

Nalulungkot din ako kasi wala yung iba ko pang friends sa last day ko, yung iba rest day, yung iba ibang oras duty. Ang dami kong mamimiss dito, yung mga tao, yung mga meals, yung incentives, yung trabaho, yung mga problema ng cashier pwera sa shortage, yung caygo (paborito ko, yung pagte-trays! pero syempre biro lang), pati na rin si kras hahaha at ang pinaka sa lahat.. yung sahod! Maygad kahit maliit lang yun mamimiss ko pa rin na may inaabangan ka kada 4th day at 19th day ng buwan huhu.

Dami kong natutunan sa pagpasok ko dito, yung dating tatamad tamad, ayun tamad pa rin. lol pero masasabi ko na nag improve? hahaha. Thankful ako na naging part ako ng jollibee, parang kelan lang bago pa lang ako don, walang kaalam-alam gawin haha. Ang bilis ng oras. Doon ko rin nalaman na bawat oras mahalaga. Bawat minuto.

Hehe nung maga-out na ko, saktong 11pm pinareprint receipt ko muna yung last na order na tinake ko. Lah lang, remembrance din.Β 19182159_1428501930529026_1108169967_o

Yan yung huling resibo na may pangalan ko na cashier. Sabi nga nung isang katrabaho ko balik daw ako ulit sa bakasyon. Gusto ko pero sa tingin ko malabo na, para saan pa ba? nakuha ko naman na yung pakay ko na ‘experience’ eh. Okay so dito na nga siguro nagtatapos ang kwentong jalibi ni Den!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s